• The Town
    • Barangays
  • Local Government
    • Sangguniang Bayan
    • Sanggunian Committees
    • Barangay Leaders
    • Departments
  • Halina sa Naujan
    • Go Naujan
    • See The Sights
    • Stay With Us
    • Come and Join Us
  • The Blog
  • Galleries
  • Pera ng Naujan
  • Campaigns
    • Halalan Naujan 2016: Bayan o Sarili?
    • Online Petition
    • Batang Naujan
    • Bangon Naujan
  • Downloads
    • Resolutions and Meetings
    • Laws That Affect Us
    • Other Reports
    • Montelago Geothermal
    • Lower Catuiran Hydro
    • Intex Nickel Mining Documents
  • About This Site
    • Credits
    • The Foundation
  • Links
  • Contact

Dec
23
2011
 0

Ngiti sa Pader


Ngiti sa Pader

ni Gee Padua Lin

 

Sa maraming taon hinarap ko ang pagpapamilya
Naging dakilang ina at responsableng asawa
Natikman ang sarap at lahat ng ginhawa
Ngunit nang naglaon buhay ko’y nag-iba

 

Sa maliit na problema namin ng aking sinta
Poot, luha at lungkot lahat ay nadama
Subalit sa simpleng komunikasyon lahat ay naitama
Ngayon buhay ko’y tila reyna sa dambana

 

Salat man ako sa yaman, barkada at kaibigan
Naririto ako at tila parating nagdiriwang
Katambal ay mga ngiti at nag-aapaw na pakiramdam
Kaligayahang dito sa pader ng Facebook ko lang po natagpuan!

 

Dito, doon, kahit saang sulok ng mundo
Nakapaligid ang mga mahal na kababayan ko
Mga dating kaibigan, kaklase’t kalaro
Nabaon sa limot di mabatid kung san dumako

 

Ano nga bang maibibigay ng isang computer?
Isang munting parisukat kapatid ng charger
Pero wag mong iismolin daig ang dating pager
Libre view ng video, larawan at sulat sa mga pader!

 

Dito sa Facebook kalaro’t kaibigan mandi’y nagpangita
Puro pangungumusta, kulitan at kamangyanan ang tema
Naibulalas ang nilimot na bubot at malalim na pagsinta
Nanunumbalik ang mga musmos na tawa at pang-aalaska!

 

Araw-araw di ko makakalimutang gumawi sa pader
lalo na sa mahiwagang mahabang bakod ni Kuya Arvel
Naroroon si Neddie, Ma’am Daisy, Sherwin, Aloha at Kuya Rafael
Sangkatutak na Mangyan na para sa akin ay mga dakilang anghel

 

Mga saging, sinulbot, suman, banana q, caruaje at pako
Katambal ang tanggoy, dulos at karit ng datu
Dala daw ay gulok sugod sa daang baku-bako
Yan ang mga salita sa pader ng mga apo ng mga ninuno!

 

Mula ng ating matukyan mga pader ng taga-Naujan
Kalungkutan sa ibayong dagat ay tila naiibsan
Sa paglingon sa hirap ng buhay na dun natikman
Kapalit nito’y pananabik sa buhay at lumang pamamaraan

 

Mananatiling buhay ang mga ngiti sa pader na ito
Magiging mga kwento, alamat at pahina ang bawat yugto
Hindi maipapalit sa pinakahiyas na ginto
‘Pagkat ang pader na ito’y taga-buklod ng mga puso!

 

Muli ang araw ay hihimlay sa lugar ng kanyang kanlungan
Ako’y naririto at puputi ang kulot na buhok sa Taiwan
Mga ngiti sa pader ay di ko iwawaglit kailan man
Handang ibahagi ang pag-ibig sa bayang tinubuan!

 

Viva Naujeños!

 

Leave A Reply





  Cancel Reply

  • Welcome Kabayan!

    Feel free to browse around for photos, stories and information all about Naujan.

  • Kanlungan sa Naujan

  • Categories

  • Recent Posts

    • Task Force Iwas Baha Final Report
    • Naujan Folks Kick Off Campaign With Environmental Concert and Prayer Rally
    • Mayor Marcos’ Comment and Actions on Energy Projects Issues
    • Bangon Naujan Fund Drive Report
    • The Birth of Batang Naujan
  • Recent Comments

    • Vener EStorque Albufera on Naujan Academy
    • Fr Matthew Gibson on San Nicolas de Tolentino, Patron Saint of Naujan
    • rhealyngerpacio on The 70 Barangays of Naujan
    • Arvin Parin on Inarawan National High School (INHS)
    • Aiko Passion Mendoza on Municipal Government Offices


  • Like Us on FB

  • DISCLAIMER

    Naujan.com, unless otherwise noted, do not own the pictures posted in this site. Credits are due to our fellow Naujeños who continue to share their stories, information, and photos to our kababayans everywhere.

  • Background photos by Marlon T. Abuan, Raymund Valenton, JL Reyes, Mon Robles, Norman Belino, Jay Feudo Hernandez and Dr. RM Del Mundo.






Naujan.com is brought to you by the Naujenos Foundation and Powered by BuraotDotCom