• The Town
    • Barangays
  • Local Government
    • Sangguniang Bayan
    • Sanggunian Committees
    • Barangay Leaders
    • Departments
  • Halina sa Naujan
    • Go Naujan
    • See The Sights
    • Stay With Us
    • Come and Join Us
  • The Blog
  • Galleries
  • Pera ng Naujan
  • Campaigns
    • Halalan Naujan 2016: Bayan o Sarili?
    • Online Petition
    • Batang Naujan
    • Bangon Naujan
  • Downloads
    • Resolutions and Meetings
    • Laws That Affect Us
    • Other Reports
    • Montelago Geothermal
    • Lower Catuiran Hydro
    • Intex Nickel Mining Documents
  • About This Site
    • Credits
    • The Foundation
  • Links
  • Contact

Dec
8
2011
 0

Nakakakilabot na PAL Video Footage, Isang Masamang Senyales


imprisoned monkey

China Southern Airlines, China Eastern Airlines, Vietnam Airlines, and Air China, Tinatarget Din

 

Manila — Dahil sa kakila-kilabot na ulat ng isang whistleblower na nagsasabing ang Shin Nippon Biomedical Laboratories USA (SNBL)—ang ikatlo sa pangunahing importer ng unggoy sa mga laboratoryo sa Estados Unidos—maya’t mayang inaabuso at hinahayaan ang mga unggoy na magdusa sa masasakit at nakamamatay na eksperemento, ang PETA ay nananawagan sa ilang kumpanyang paliparan na pumapayag na magparating ng mga unggoy sa mga laboratoryo tulad ng SNBL na itigil na ang kahiya-hiyang gawaing ito. Ang PETA U.S. ay naglabas na ng mga larawan at video ng mga unggoy na nagdurusa sa loob ng SNBL.

 

Kahit na halos lahat ng pangunahing kumapanyang paliparan sa mundo ay may patakaran na nagbabawal ng pagbabyahe ng mga unggoy para sa eksperimentasyon, may ibang kumpanyang paliparan—kasama na ang Air China, China Eastern Airlines, China Southern Airlines, Philippine Airlines, at Vietnam Airlines—na nagpapatuloy pa rin sa pagbabyahe ng libo-libong mga unggoy sa Estados Unidos at iba pang mga lugar, kung saan sila ay kinukulong, pinapahirapan sa karumaldumal na paraan sa masasakit na eksperimentasyon, at pinapatay sa mga laboratoryo.

 

“Sa pagpaparating ng mga unggoy para sa eksperimentasyon, ang mga kumpanyang paliparang ito ay masasabing kasali na din sa pang aabuso ng mga unggoy ng mga kumpanyang tulad ng SNBL, kung saan ang mga unggoy ay kinukulong, tinatali, nilalason, at iniiwan para magdusa,” sabi ng bise president ng internal operations sa PETA Asia, si Jason Baker, “Kinakailangang malaman ng mga tumatangkilik sa mga kumpanyang paliparan na ito na hindi na sila kailanman papayag muli na mamumuhunan sa paghihirap ng mga matalino at palakaibigang hayop.”

 

Maraming kumpanyang paliparan—kasama na ang Cathay Pacific, American, Delta, United, British Airways, Virgin Atlantic, Qantas, Aer Lingus, at marami pang iba—ay hindi na pumapayag na magpabyahe ng mga unggoy para sa mga laboratoryo.

 

Ang ibang unggoy ay ipinapaanak na sa mga masisikip at maduduming monkey farms, habang ang iba ay hinihiwalay sa kanilang mga pamilya sa kagubatan. Pagkatapos ay sinisiksik ang mga takot na hayop sa mga kahong gawa sa kahoy at binabyahe sa madilim at nakakatakot na taguan ng kargo sa eroplano, na kung kadalasan ay nasa mga byaheng pampasahero kung saan walang kamalay-malay ang mga sumasakay.

 

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga hayop na ginagamit pang-eksperimento, bumisita sa PETAAsiaPacific.com.

 

Leave A Reply





  Cancel Reply

  • Welcome Kabayan!

    Feel free to browse around for photos, stories and information all about Naujan.

  • Kanlungan sa Naujan

  • Categories

  • Recent Posts

    • Task Force Iwas Baha Final Report
    • Naujan Folks Kick Off Campaign With Environmental Concert and Prayer Rally
    • Mayor Marcos’ Comment and Actions on Energy Projects Issues
    • Bangon Naujan Fund Drive Report
    • The Birth of Batang Naujan
  • Recent Comments

    • Vener EStorque Albufera on Naujan Academy
    • Fr Matthew Gibson on San Nicolas de Tolentino, Patron Saint of Naujan
    • rhealyngerpacio on The 70 Barangays of Naujan
    • Arvin Parin on Inarawan National High School (INHS)
    • Aiko Passion Mendoza on Municipal Government Offices


  • Like Us on FB

  • DISCLAIMER

    Naujan.com, unless otherwise noted, do not own the pictures posted in this site. Credits are due to our fellow Naujeños who continue to share their stories, information, and photos to our kababayans everywhere.

  • Background photos by Marlon T. Abuan, Raymund Valenton, JL Reyes, Mon Robles, Norman Belino, Jay Feudo Hernandez and Dr. RM Del Mundo.






Naujan.com is brought to you by the Naujenos Foundation and Powered by BuraotDotCom